Review of Mcdonald's - Head Office


3.0
Hello!
Before I start gusto lang naming linawin na kaya kami umabot sa decision na magsulat sa McDonald’s company ay para magising na ang mga taong gumagawa ng anumalya sa Mc Donald’s 379 especially the OWNER, ACCOUNTANTS ( ma’am chary, marla, etc.),RM ( ma’am Maricris Flores) at sa mga iba pang nakakaalm ng crew na kasama naming ngayon in store (crew and managers).
But the OWNER, ACCOUNTANTS ( ma’am chary, marla, etc.) and RM ( ma’am Maricris Flores) ETC. are the persons involve in this anomalies in Mc Donalds 379 di namin totally alam kung sino ang may talgang alam sa kanila o lahat sila alam.
Hindi kami magpapakilala hindi dahil sa takot kami sa kanila but we are the representatives sa mga workers there right now at sa mga nagtrabaho sa kanila (managers or crew).
Ang mga sumusunod ay ang alam naming maling ginagawa nila sa mga workers nila:
#1 the back pay

• WALANG back pay sa kanila. May sinasabi silang backpay pero mali yon! Para ito sa lahat ng mga nagresign this year and past years.

• Dati ang ginagawa nila is pagnagpasa ka ng resignation letter 1 month magtatarabaho ka then yung sasahurin mo dun e ayun na yung backpay mo which is very wrong lalo sa pagkocompute ng backpay.

• Alam nilang mali iyon pero ganun ginagawa nila dati pa.

#2 Hindi nila hinuhulugan ang (SSS, PAGIBG, PHILHEALTH ETC.)

Dito kami lahat naiinis! Yung iba sa amin may hulog pero di namin alam kung yung hinulog ba nila is tama or kulang

Ang karamihan sa amin walang hulog! Lalo sa mga nagresign dati late na nila nalaman na walang hulog ang mga accounts nila mga ilang years na sila nagtrabaho pero walang hulog ni isa!

Ang karamihan sa amin nalaman na nakaDEACTIVATE na yung account nila dahil hindi nahuhulugan!

Ang pinapagawa ng government is pinapapirmahan sa employer para marecover yung account kami pa pinapaasiakaso kasi wala na daw account naming dahil walng hulog

Anong nangyari??! Doon? Sinasabi nilang floating daw?! The hell that reason dati di kami makareklamo dahil di pa namin alam ang mga to pero sobrang mali na ang ginagawa nila.

NOTE: Ang ginagawa nila ngayon hinahabol po nila yung ibang hulog sa mga nakakaalam na walang hulog ang mga account nila pero still mali yon! Dahil dapat dati pa kayo naghuhulog! ( yung hindi nakakaalam wala padin hanggang ngayon!) at sa mga dating dati pa nagresign wala padin hulog hanggnag ngayon!
Hinuhulugan lng naman nila yung iba para mapagtakpan yung karumaldumal nilang ginagwa.

#3 dati pagnagoovertime kami walng dagdag na ilang percent per hour yung overtime!

Tapos may nanginspect sa kanila kaya ginawa nila wala na daw sosobra sa 8hours na duty! Wich is partly good and bad dahil sobrang sinasagad nila ang mga crew kahit kulang na sa crew pero lalagpas na sa 8hours epagaoutin na nila kasi ayaw na ayaw nila sa OT sa sobrang pagtitipid!

Pero ang kinaiinis ng karamihan e walng dagdag dati ang OT! Pano yung mga nagresign dati?? Hindi na ba nila makukuha yun? Eh pinagtrabahuhan nila yon.


• KAYA hindi namin nirereklamo sa kanila to dahil pag nagtanong ka sa kanila sila pa ang galit at umiiwas sila para di makahalata ang mga nagtatrabaho sa kanila.
• Pati pagkuha ng COE sa kanila inaabot ng ilang mga araw dati iniipit pa nila
• Alam lahat yan ni ma’am cha at accountant nya pero halatang sinasadya nila lahat ng sa backpay,ot, at and hindi paghulo sa mga benefits sa amin!.


Pinagisipan naming to ng maigi bago magpost dahil posibleng maraming maapektuhan. Baka may mga crew and staff na mainis dahil hindi nila kami maintindihan pero sobra na yung mga ginagawa nila.

We hope na magawan ng paraan etong issue naming. Sana mabalik ang para sa amin. Yung backpay, Mahulugan ang benefits ng lahat ng mga nagtrabaho sa kanila including yung mga dating crew.
Pag hindi po ito nasolusyunan kaagad within this week ipopost na naming to sa DOLE alam naming maaring maapektuhan ang pangalan na MCDONALDS kaya nga po dito muna namin pinost ito.

Alam din naming na maapektukhan ang mga persons involve sa mga to! But kung hindi naman kayo gumagawa ng mali hindi rin kayo maapektuhan right?!

Sa lahat ng mga nakatrabaho at katarbaho naming sana maintindihan nyo poi tong ginawa naming 
MAGBAGO na kayo! Nakakatulog pa na kayo ng maayos sa ginagawa nyo….. magawan nyo sana to ng paraan agad agad! This month sana talaga dahil hindi kami nagdadalawang isip na ireport kayo sa gobyerno alam nyo ang magiging consequences na posibleng mangyari sa inyo!

Maraming hindi umaalis sa inyo dahil kailangan naming ng per pero wag nyo kaming abusuhin.


P.S. alam naming itatangi nilang lahat ng paratang sa kanila dahil ayun naman talaga ang ginagawa nila e dati pa! pero eto ang totoo hindi kami magrereklamo kung tama ang ginagawa nyo.


Maayos sana this month!

Yun lng po muna sa ngayon godbless!
PUBLIC USER
Yung akin din po wala hulog sss, philhealth at pag ibig ko

Reply to Review

Sign-in Required

Please sign-in or register in order to reply to this review.

Sign inRegister
BACK TO TOP